Isang Voice Over NARRATOR Ang nakaraan (beat) matapos sabihin ni Lalake kay babae ang plano nyang panliligaw. Kinulit nya si Babae na makadalaw sana siya sa bahay nito. Pero alam ni Babae na amoy yosi si Lalake kaya hindi siya pumayag. (dismayado) Ngunit dahil makulit si lalake pumayag din si babae. (normal voice) Nung nasa bahay na si Lalake unti-unting nyang nakilala si Babae (sweetly) Kung gaano kamahal ng Babae ang buwan at bituin, na wala siyang sekreto, bukas ang isipan niya na parang bahay nilang bukas, maliwanag. Ang kanyang espirito na sing laya ng hangin. Nakilala niya ang Siya na maganda. (normal voice) dahil salituhan kung ano-ano tuloy ang nasabi ni Lalake, na baka hindi siya sagutin, na baka masayang lang ang oras niya. Dahil dito nainis si Babae at sinabing: BABAE (curt) Friends na lang tayo! NARRATOR Biglang naisip ni Lalake ang kanyang kamalian. Tumawag siya matapos ang dalawang araw. Sinabi nya na mali ang lahat ng sinabi niya at balak nyang manligaw ulit. LALAKE (pleading) Please, at least give me a chance... NARRATOR Sabi ni Babae: BABAE Alam mo, masyadong magulo ang isip mo. I-sort out mo muna siya at pagkatapos ng Holy Week saka ka na lang ulit tumawag. NARRATOR Lunes na , a-uno ng Abril. Hindi na makapaghintay si Lalake. Kinakabahan siya, nagaalangan. Ngunit buo na ang kanyabg loob. Dahan-dahan nyang inangat ang telepono. Nagdial. Naghintay ng ilang ring. Biglang may nag-angat sa kabilang linya at isang tinig ng babae ang sumagot BABAE Hello? NARRATOR (a lot of conviction) At ngayon sa pagpapatuloy ng ating kuwento... j.p. abad