Magandang Umaga Magandang umaga sayo binibini ang aking munting pagbati na may nakalakip na ngiti Noong una kang nakita ikaw ay minahal na dahil sayong ganda Ganda ng mukha tamis ng salita ningning ng mata Kahit di mo mahalin ay di matatanggal ang damdamin na pinilit kong buhayin Ngunit lahat ay may katapusan damdamin ay nababawasan pagmamahala ay nauubusan Ikaw ay nagpaalam umalis ng tuluyan ako ay nasaktan at iniwan Lumipas ang panahon na parang kahapon at dumating na ang ngayon Pag-ibig na di maipahiwatig matang sayo'y nakatitig ikaw na laging bukang-bibig Ngayon ay hindi na pag-ibig ay lumipas na pero ikaw ay ala-ala pa di kita malilimot kahit ang pag-ibig ay masalimuot na may luha't lungkot Ngayon ay nakangiti habang sayo ay bumabati magandang umaga sayo binibini j.p. abad