Noong minsang nag-uusap tayo at magkadikit ang siko natin Tinanong mo ako kung anong mangyayari sa atin limang taon mula ngayon Limang taon mula ngayon? Di ko talaga iniisip. Nakadikit kasi ang siko mo at ito ang laman ng utak ko. Limang taon mula ngayon? Malayo pa ito, ngunit parang malapit na. Puno tayo ng pangamba. Sana lang limang taon mula ngayon, ganito pa rin tayo. Magkadikit ang siko. j.p. abad