Relo na gumigising sa kin tuwing umaga parang puso mong gumising sa king damdaming tulog. Puyat pa ata na pinatay ang relo ngunit hindi ang damdaming kong gising na at humihingi ng kape Bawat tikatik ng relo ay parang tibok din ng puso mo, maingay dumadaan ang mga kamay sa mukha ng relo, sa numerong nagsasabing umaga na, naaalala ang kamay mong humahaplos sa mukha ko isang gabi na hawak ko hanggang mag-umaga. Relo isang gabing kinuha at inilagay sa aking tenga. Puyat sa kaiiyak, inaalala na lang ang minsan na masaya. Bawat tikatik ay para ring puso mong tumitibok. Di na kasama. j.p. abad