Nung minsang dumalaw ako sa inyo, ayaw mo pa, pinilit pa kita. Akala ko tuloy sabi mo: "Maligo ka muna!" ayun pala: "Baka maligaw ka!" Nung minsang dumalaw ako sa inyo, naligaw nga ako, walang may alam ng Mojica st.: "Tatlong kanto mula dito", dalawa lang pala. Sabi mo may basketball court, di mo naman sinabi kung whole court o half court. Nasa South na ako wala pa rin akong nakikitang basketball court na whole, half meron. Tumawag pa ako sa tindahan, buti kilala ka ng may-ari sabi nya: "Paglampas ng buko" Kumatok nga ako paglampas ng buko "Ang tagal naman" "Hindi dito sa kabila!" At naandon ka nga. Halos tumalon ang puso ko sa takot, sa kaba. Muntik pa akong sunggaban ng aso ninyo. Nung minsang dumalaw ako sa inyo, di ako makapagsalita, di ako mapakali, nilalaro ko lang ang aso ninyo. Pinapanood lang kitang matulog Nakangiti ka. Nakangiwi ako. At biglang nagsalita nga ako. Nung minsang dumalaw ako sa inyo, para akong eroplanong biglang nag-crush land: "Pilot error". Hindi na lang sana ako nagsalita. Nung dumalaw ako sa inyo. j.p. abad