Sa dyip ni Mang Fred Diyos ko! Wag ka sanang masasakay sa dyip ni Mang Fred. Primera-Segunda lang ang kambyo Walang gas,walang clutch,puro preno Tumitigil sa harap ng sumasakay Tumitigil sa harap ng hindi sumasakay Tumitigil pag may nagbabayad Tumitigil pag nagsusukli Tumitigil sa red light Tumitigil sa green light Color blind ata si Mang Fred Isang malaking Time Machine Ata ang nasakyan ko Dahil tumitigil ang oras Sa dyip ni Mang Fred. j.p. abad