Isang makulimlim na umaga Maraming patak ng ulan Isang tinig sa telepono Na marahil ay nagpapaalam Dagli akong sumugod Sa malakas na ulan Nag-iisip, naglalakad Walang maintindihan Kung bakit ang lahat Na nagsimula sa ulan ay matatapos sa gitna Ng delubyo, karimlan Di ko na nais pang balikan ang ala-ala ng umaagos na ulan Dahil ngayong gabi Tayo'y masayang nagtatawanan Sa gitna ng ulan. j.p. abad