Pinalungkot mo ako kamakailan Ikukuwento mo ang tungkol Sa basagulero mong kaibigan Nagkabatuhan ng bato at bote Muntik ka pang masaktan. O di kaya ang mga araw ng walang humpay ninyong inuman at kung minsan ay nasa sulok ka ng 7-11 may san miguel na tangan tiutunga ang laman O ang H.R.M. night Na dapat sana ay masaya Nauwi lang sa disgrasya Pinalungkot mo ako kamakailan Sa iyong paghahanap ng kaibigan Sa pag-iisip sa kinabukasan Tinatanong mo kung ano tayo Limang taon mula ngayon Nakakalungkot dahil wala akong Sagot dun Pinalungkot mo ako kamakailan Pinalungkot dahil Nasaan ba ako Nung araw na ang puso mo Ay walang laman Espiritung naghahanap ng kaibigan Ang iyong labing may nais sabihan Ng mga bagay na hnidi mo Sinasabi kaninuman Pinalungkot mo pa ako Ng ilang beses Dahil sa pagkimkim mo Ng boses At pinalungkot mo pa ako Maraming beses Na rin kitang pinalungkot Mga noo'y kumukunot Sa tuwing babanggitin Ang pakiramdam ay masalimuot Pinalungkot mo ako kamakailan Ngunit pinasaya mo ang puso ko Sa pagdating mo bigla sa buhay ko At sana ay napasaya na rin kita Dahil ikaw na ang buhay ko At hindi na ako malulungkot Magpakailan pa man j.p. abad