Isang araw sa bahay ni Lola Magtataka ka sa dami ng bata o kung bakit nakangiti si Lola 'maggigiling ka ha' Magtataka ka talaga dahil binigyan pa ako ng sigarilyo ng madamot kong pinsan 'maggigiling ka ha' Si Lolo may abot pang katas ng buko 'maggigiling ka ha' Biglang nag-amoy macapuno sa bahay 'o ano, maggiling ka na' 'kaya pala' Nag-uwian na ang mga batang nagpaparamihan ng nakaing espasol. Ako ang pinakamalaking bata dito kaya malamang ako ang nanalo j.p. abad