Linggo na naman Linggo na naman para sa kabataan ng R.S.A. sa Nagcarlan Gigising ng maaga maliligo't mamalantsa almusal ay nakalimutan pa Male-late na ako dahil ang simula ay alas-ocho 7:55 na sa relo ko Nagmamadaling umalis magta-traysikel sana para mabilis kaso ang baon ay nakalimutan sa sobrang inis. Nakarating ay late napagpush-up pa hangang 98 nabigyan pa ng demerit Pagpila sa Platoon Bravo puting medyas at di shine ang buckles ko may bigote, di gupit ang buhok at kuko Ang demerit ko tuloy singdami ng abuloy isa na lang babagsak na si tutoy Pinagmartsa ng Platoon Leader ako ay nabangga sa pader napag-down pa tuloy ni Brother Nakita ni SP02 binatukan pa ako sa ulo talagang nainis na ako ng todo Nagmamartsa na parang langaw si SP02 nakatayo mukhang bangaw kanyang boses ay umaalingaw-ngaw Dahil mali-mali dahil ako ay naiihi di tuloy nakapag-break na siyang mithi At noong nakapag-break na wala nga pala akong pera ako ay nagutom at nakatanga Kami ay pinaupo dahil magpapakopya si SP02 naiwan din pala ang tickler ko. Ako ay nabatukan ako tuloy ay pinagtawanan dignidad ko ay nabawasan Napagmura pa ako ni SP02 gusto kong sabihin: PUTANG INA MO! Nang ako ay maupo nag-iinit pa rin ang ulo inantok ako at napayuko Ako ay napahikab narinig ni Commang-dant kayat ako ay hinanap Kayat ako ay pumunta at nagtataka ang humikab ay masama pala Ako ay nabatukan(na naman!) lahat ay nagtawanan ako ay napahiya ng lubusan Sa C.A.T.-ing ito akala ko ay tatalino sakit lang pala sa ulo Ang mga fourth year sa R.S.A. sa Nagcarlan ay nalulungkot at nag-aagam pag Linggo na naman. j.p. abad