lakad lakad lakad pa ang litana ng walang pera ubos na ang pang-jeep sayang wala pa namang trapik lakad lakad lakad pa malapit na kaya hindi malayo pa sana makauwi na ako nagugutom na ako gusto ko nang makita ang aking mga anak halikan ang misis kong manganganak ngunit wala na akong pera kaya naglalakad akong mag-isa kaya lakad lakad lakad pa j.p. abad