Lagi kang nakangiti ako nakasimangot lagi kang maligaya ako nakakunot Tinatawanan mo ang malaking problema pinoproblema ko ang maliit na tawa Lagi kang masaya lagi akong malungkot Masaya mong hinaharap ang pighati malungkot kong tintangap ang tagumpay Ngunit ikinasisiya mo ang tagumpay ko At kung may problema ka man ako na lang ang malulungkot para sayo. j.p. abad