Isa pang tula para kay Elisha Cuthbert Noong nagka-internet ako pumunta kaagad ako sa Alta Vista. Tapos tinype kong pangalan mo tapos pumili ako ng isang site tapos right click tapos Open In New Window tapos inintay kong mag-load tapos sobrang excited ako tapos kamuntik akong himatayin biruin mo yung black 'n white mong picture kung saan ang cute-cute mo ang bumulaga sa akin. Tapos bigla akong natigilan tapos ang laki ng ngiti ko tapos bigla akong nagtatawa tapos biglang nag-brown out tapos. j.p. abad