ilang oras pa ilang araw pa bago tayo nagkita ilang malungkot na umaga ang gigisingan ilang malamig na gabi ang tutulugan bago ko makita ang ngiti mong tangan ilang butiki ang bibilangin sa kisame ilang tasang kape ang ii-ihi bago maramdaman ang matamis mong labi gaano katagal maghihintay bago matapos ang pagkawalay ilang oras ang bibilangin ilang araw ang palilipasin bago mag-krus ang mga mata natin ilan nga ba? ilan nga ba? j.p. abad