Paano Pumunt Sa Ibang Planeta Ganito ang paraan kung papaano pumunta sa Ibang Planeta 1. Maghintay ng dyip na may signboard na: Ibang Planeta 2. Parahin at sumakay NOTE: Preferably sa harap, sa may tabi ng driver umupo para hindi lumampas. 3. Magbayad nang apat na piso(o kung ano ang minimum o flat rate sa dyip. Minsan itatanong ng driver kung ilan, kung mag-isa ka lang: isenyas ang daliri ng isa, kung may kasama sabihin kung ilan ang kasama. Pag sobra ang ibinigay mong pamasahe, hintayin ang sukli o hingiin sa driver pag nakalimutan. 4. Wag matutulog sa dyip, baka ka lumampas. Di ka gigisingin ng driver(kaya nga sila driver at hindi alarm clock). NOTE: Kung sakali mang makatulog ka, tandaan na ang iyong katabi ay pasahero ding gaya mo, hindi sila unan. Masasaktan ang kanilang damdamin. 5. Mag-ingat din sa mandurukot. Karamihan sa kanila ay dito gumaradweyt sa dyip bago sila lumipat sa bus at palengke. 6. Pag nakita mo na ang Ibang Planeta, pumara ka na para huminto ng dyip. Mga paraan ng pagpara: A. Sabihin ang 'para' ng malakas. B. Tuktukin ang bubung ng tatlong beses at sabihin 'sa tabi lang'. C. Sumutsot. D. Sumipol. E. Kung hawak mo pa ang sukli mo at meron kang barya, ipalo sa hawakan ang barya ng isang beses(ang ganitong pagpara ay naimbento ng mga kundoktor ng bus. Isang palo - tigil. Dalawang palo - larga.). NOTE: May isang paraan ng pagpara na kung saan ay tatapikin mo ng dalawang beses ang bubung at sasabihin ang salitang: hep-hep. Ngunit ito ay hindi halos ginagamit at hangang ngayon ay nasa experimental stage pa rin. 7. Bumaba na at ingatang wag mauuntog at wala ring nakalimutan(payong, wallet, supot na may laman etc.) At makikitang nasa Ibang Planeta ka na! Siguraduhin lamang na basahin at pag-aralang mabuti ang guide na ito, upang maging maayos at kaiga-igaya ang inyong paglalkbay. Ugaliin lagi na mag-ingat at tumingin sa magkabilang dulo ng kalsada bago tumawid. Masayang paglalakbay sa inyong lahat! j.p. abad