Ngumiti ka naman eh ano kung namatay ang aso mo at hindi mo maipulutan kse namatay sa sakit na hindi mo alam kung ano. Eh ano kung natalo ka sa pusoy pati perang pantaya mo sana sa lotto ay nadala tapos nung gabi lumabas yung numero mo Eh ano kung hindi ka nakapunta sa lamay ng iyong kaibigan at minumulto ka na nya ngayon Eh ano kung kinabukasan paggising mo tinanggal ka ng boss mo sa trabaho kase katabi mo ang misis nya Eh ano kung dinukot ka ng mga alien at isinakay sa spaceship nila dinala sa laboratoryo at ni-rectal probe di ka tuloy nakapag-finals Eh ano kung napatunayan mong hindi totoo yung kasabihang lighting doesn't strike twice at the same spot nuong isang maulan na hapon Eh ano kung malas ka Ngumiti ka naman. j.p. abad