dati-rati: nakangiti. nakatawa. naglalakad ng sabay. magkatabi sa upuan. di makakain mag-isa. hinihintay ka. dati-rati: tinititigan. kinakausap. laging nakasunod. kilala ang mga kaibigan. nagseselos. wala na ang dati-rati dahil di na tayo tulad ng dati dati parte ka ng buhay ko buhay kita dati. dahil hindi maibabalik ang dati dahil di ko nasabi sayo ang dati-rati. j.p. abad