maliwanag na buwan madilim na silid mga matang bukas dahan-dahang pipikit mga labing magdidikit laway na nagpapalit dilang kumukuhit mga katawan natin unti-unting pinaglalapit ng di mapuyos o maampat na init kamay na mahigpit kumapit mga hiningang umaalumpihit damdaming di papaipit sa di maabot na langit isang gabing di ipagpapalit j.p. abad