matamis na ala-ala mapait na ngiti parang sopas na maiinit pero masarap higupin o sapatos na masikip pero pormang isuot matamis na ngiti mapait na ala-ala soap opera na di matapos-tapos laging bitin kuwartong masarap tulagan laging makalat o crossword puzzle na nakakaaliw di naman mapuno tubig na nawawala pag nagbabanlaw na o pulburon sa gitna ng tag-init ala-ala ng ngiti matamis at mapait luyang nagpapaganda ng boses ampalayang nakakabusog madungis na chuck taylor maliit na t-shirt beer na nakaka-hang over sigarilyong nakakaubo humpy-dumpy na mabaho pangalang di makalimutan ala-ala ng hapon na yon ngiti ng labi matamis na sandali mapait na wakas j.p. abad