Dalawang Taon dalawang taon na ang nakakaraan nang binasag mo ang aking tawa nang ang ngiti ko tinapakan mo pinatay ang aking pag-asa at pinaluha ang mata dalawang taon na ang nakakalipas nang sinabi mo hindi kita mahal dalawang taon nang muli kang magbalik at sabihin sa akin mahal kita dalawang taon na ang nakakaraan ngunit parang dalawang araw lamang ngayon tawa mo naman ang aking babasagin ngiti mo naman ang tatapakan ko papatayin ko ang pag-asa mo at paluluhain ang mata. mahal kita j.p. abad