Tingnan ang mundo sa mata ko
ni J.P. Abad


INTRODUKSYON



Ito nga pala ang kalipunan ng mga tulang naisulat ko mula nung nag-high school pa ako sa Nagcarlan magpasa hangang ngayon.

Nais ko talagang gawing libro ang mga tulang ito at pagkaperahan. Nais ko rin mag self-publish. Ano pa nga ba ang magandang paraan ng pagse-self publish o pagi-indie kundi dito sa Internet. Kaso hindi ko naman puwedeng pagkaperahan. Ayos lang yun, ang pangarap ko naman talaga ay ang MAGSULAT, MABASA at MAINTINDIHAN (aanhin ko ang pera kung wala naman ang tatlong ito). Ito na ang pangarap ko nung bata pa ako, gumawa ako ng istorya nun tungkol sa isang Bionic family, gamit ang Mongol #2 at isang yellow pad. Hindi ko nga lang natapos, matagal na ring nawala yung kopya.

Simula nun nakalimutan ko na ang pagsusulat.

Nung nag-aral ako sa Nagcarlan, dun lang ulit gumana ang utak ko at hilig sa pagsusulat. Dahil siguro sa epekto ng lugar sa akin at marahil sa mga naranasan ko. Hindi ko sya sinimulan sa paggawa ulit ng Bionic family, sinimulan ko sya nung nakita ko na nang malapitan ang mundong ginagalawan ko. Ang aking self-contained-self-created-according-to-my-own-image universe( aba! Diyos lang ba ang may karapatang gumawa ng universe). Ganito ko nakikita ang mundo. Binubuo sya ng CONCRETE na emosyon, ABSTRACT na paniniwala. Lahat tayo naghahanap ng ABSOLUTE. Pero bat ba natin lilituhin ang mga sarili natin. Hanggat may kapasidad tayong mabuhay, lagi nating ipaglalaban ang pagkaTAO natin! Di ba!

Ang mga tula dito ay wala sa ayon(hindi kasi ako nagde-date ng tula eh). Hindi sila sunod-sunod by date o nakagrupo per theme. Hindi ganon. Nilagay ko lang sila kung papaano ko sila nakita o nahanap, mula sa baul, sa desk, sa mga aparador, sa sala, sa mga singit-singit ng kama(at sa maniwala kayo o sa hinde hanggang sa banyo nakakita ako ng tula). Yung Magandang Umaga Sayo at Linggo na Naman yun yung mga una kong tula. Sila yung "Mother of all my Poems" ika nga. Orig na galing Nagcaralan pa sila. Yung iba naman nagawa ko "Through the Years" na barado lagi ang ilong ko at kakasabit sa ordinaring bus.

Gamit ko pa rin ang yellow pad, hindi lang isang pahina, madami na at #2 na lapis pero hindi na Mongol, Steadler na, yung yellow pencil nila(ganda kasi ng kahoy eh). Armado na ulit ako para silipin ang mundo.

Kayat halika na ating Tingnan Ang Mundo sa Mata ko!